INUKIT

Ang Inukit o Ukitan ay Sulat Tagalog. Hindi ito ABAKADA o ABCD o ALPHABETA kundi isang AUI PALAPANTIGAN (alphasyllabary). Ito ang Katutubong Sulat nang Bansang Katagalugan. Ito ay isa sa manga anyo ng AUI Baybayin sa buong Kapuluang Pilipinas. Itinataguyod at isinusulong namin unang-una ang AUI Baybayin o Ukitan, Sulat Tagalog sa Bansang Katagalugan.

Saturday, August 12, 2017

ANG WIKA NANG PAKIKIPAGTALASTASAN

COMMUNICATION (n.)
late 14c., from Old French comunicacion (14c., Modern French communication), from Latin communicationem (nominative communicatio), noun of action from past participle stem of communicare "to share, divide out; communicate, impart, inform; join, unite, participate in,literally "TO MAKE COMMON," related to communis "common, public, general" (mula sa etymology.com)

PAKIKIPAGTALASTASAN
pk{ptlts

WIKA NANG PAKIKIPAGTALASTASAN
Language of Communication

Ano baa ng pambansang wika nang Pilipinas? Ito ba ay Ingles, Filipino o Tagalog? Hindi po. Hindi Ingles ang pambansang wika nang Pilipinas, hindi rin Filipino, at hindi rin Tagalog, bagamat nakasaad ito sa saligang batas ng Pilipinas. Ang wikang Ingles ay wikang pang “international”. Ito ang wikang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang tao na may iba’t ibang wika sa sandaigdigan.


Sa sangkapuluang ito na kung tawagi’y Pilipinas o ayon sa iba’y Filipinas, hindi magkakaunawaan sa pamamagitan nang tinatawag na pambansang wikang Filipino. Bakit? Sapagka’t ang wika nang pakikipagtalastasan ay yaong nauunawaan nang lahat. Sino ba ang makakaunawa sa isang wikang “artificial” na ibinatay sa Tagalog at nilangkapan din raw nang manga salita mula sa iba’t ibang wika nang Pilipinas? Ano ba ang wikang nauunawaan nang lahat? Ang lahat ba ay nakakaunawa at nakakapagsalita nang Ingles? Lahat ba ay nakakapagsalita at nakakaunawa nang Español? Lahat ba ay nakakapagsalita at nakakaunawa nang Tagalog, nang Bisaya, nang Ilokano, nang Kapangpangan? Hindi. Kausapin mo ako sa Kapangpangan, at mauunawaan ko lang ay ilang manga salita. Gayundin sa Bisaya, kaunti lamang ang aking mauunawaan. At ang iba pang manga salita na sasabihin ko ay hindi ko na maunawaan pa. Bakit? Sapagka’t hindi iyan ang wika na magkakaunawaan tayo. Ngayon, mag inglesan tayo, kahit na “English carabao” pa, ika nang iba, ayun, magkakaunawaan tayo sapagka’t ito ang wikang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan maging sa “social media”. Sa manga asyano, ang manga Pilipino raw ang ilan sa pinakamagagaling sa pagsasalita nang wikang ingles.


Bakit pag may manga Bisaya, Bikolano, Ilokano, Kapangpangan at iba pang mula sa manga “bansa” o “pagkatutubong” dako nila, ay dumayo sa bansang Katagalugan lalo na sa Kamaynilaan, ay hindi sila nagsasalita sa pakikipag-usap nila sa nangasa Kamaynilaan sa kanilang katutubong wika kundi sa Tagalog? Sapagka’t sa kanilang kaisipan ay Tagalog ang “tulay” na wika na pagkakaunawaan nila. Hindi rin sila nag-iingles kapag kausap ang manga Tagalog. Hindi ko rin alam, ngunit  ang napansin ko laang, ay para bagang kapag nakipag-usap ka nang ingles sa kapuwa mo Pilipino ay alanganin. Isa pa, hindi lahat ay magaling mag-ingles o marunong mag-ingles. Ika nga nang iba, “Bakit ako mag-iingles ay hindi naman ako Kano?”. Hindi lahat ay nakakapagsalita nang mahusay na ingles o tuluy-tuloy na ingles. Kung kaya’t ang kadalasang maririnig natin ay “Taglish” na hindi marapat.

Mayroon pang manga taong kapag kinausap mo nang ingles ay pagtatawanan ka, o sasabihan kang mayabang, sapagka’t sila nga din ay hindi nakakaunawa nito. Isang maling kaisipan ang ganiyan. Hindi naman tayo nag-iingles dahil mayabang. Kaya ano baga ang wikang magkakaunawaan sila? E di yaong wikang pangkaraniwang ginagamit sa Kamaynilaan, ang Tagalog. Hindi iyan ipinipilit nang manga Tagalog sa nagsidayo sa Kamaynilaan. Silang nangagsidayo ang “pumili” na salitain ang wikang Tagalog habang sila ay nasa Kamaynilaan. Nasanay na sila na ganoon ang ginagawa kapag kausap ang manga Tagalog. Ngunit maririnig din naman nating silang magsalita sa kanilang katutubong wika gaya nang Bisaya, Ilokano, Kapangpangan, Bikolano kapag kausap nila ang kanilang kapuwa Bisaya, Ilokano, Kapangpangan, Bikolano at iba pa. Noong ako ay nasa Pampanga, naririnig ko silang lahat ay nakikipag-usap sa isa’t isa sa wikang Kapangpangan. Ang sabi sa akin nang isa, “Puwede ka nang ibenta (ipagbili)”. Hahaha, iyun ay dahil hindi ko sila maunawaan. Maaari na daw akong ipagbili sa iba dahil hindi ko nauunawaan ang kanilang wika. Kung hindi nauunawaan ang salita nilang “potang bengi” (mamayang gabi) ay iisipin kong nagmumura sila at tinawag ka pang “bingi”. Hindi ko sila masisisi na magsalita nang wikang Kapangpangan sa kanilang bansa, sapagkat iyun ang kanilang katutubong wika, na dapat naman nilang gamitin sa pakikipagtalastasan sa isa’t isa. Hindi sila dapat magtagalog sa Bansang Kapangpangan. Ako na isang dayo roon ay dapat pag-aralan din ang kanilang wika upang matuto akong makipagtalastasan sa kanila sapagka’t nanduon ako sa kanilang bansa. Ako ang dapat mag “adjust”. Ngunit salamat din naman sa kanilang nag-a-adjust sa akin na isang Tagalog at nagsasalita rin naman sila nang Tagalog sa kanilang pook.

Kung nababasa mo itong sinulat kong ito at ikaw ay hindi isang katutubong Tagalog, at ang wika mo’y iba, mahusay sapagka’t nauunawaan mo ito. Mapalad kayong manga hindi Tagalog na nakakapagsalita at nakakaunawa sa wikang Tagalog dahil marunong na kayo sa inyong katutubong wika, marunong pa kayo sa Ingles, marunong pa kayong mangagtagalog at mangagsalita rin nang ibang wika sa sangkapuluan o sa ibang lupain pa.  Noong ako’y nasa Isabela, kinausap ako nang ilang manga Ilokano sa wikang Tagalog. Ang husay nila at matatas sa wikang Tagalog. Higit pang malalim at maayos ang pagsasalita nila nang Tagalog kaysa sa manga taga Kamaynilaan. Tapos marunong pa silang magsalita nang wika nang Ifugao, wika nang Ibatan at nang wika nang manga Bisaya. Humanga ako sa kanila. Samantalang ako na isang Tagalog ay Ingles at Tagalog laang ang nalalaman. Idagdag na lamang ang kaunting kaalaman ko sa manga salita nang ibang wika gaya nang Ilokano, Sinugbuanon, Hiligaynon, Pangasinan, Kapangpangan, Bikolano, Latin, Kastila, Pranses, Italyano, Yuni (Greek) at Obri (Hebrew).


Ang pagkatuto nang iba’t ibang wika ay lubhang napakahalaga. Nguni’t lalo’t higit sa lahat ang pagkabihasa sa paggamit nang iyong katutubong wika sa pakikipag-usap at sa pagsusulat nito. Dapat aralin nang bawa’t isa ang kani kaniyang katutubong wika sa kaniyang bansang kinabibilangan. Maaari kong isulat sa wikang Ingles ang manga pahayag kong ito ngunit minabuti ko ring sa wikang Tagalog ko ito isulat sapagkat lalo kong napapahalagahan ang sariling wika ko kapag ginagamit ko ito. Lalo na kung gagamitin ko pa ang katutubong sulat nang manga Tagalog, ang Baybayin, na binubuo nang 3 patinig at 14 na katinig. Ito ang aking sulat, ang Baybayin, na ninanais at nilulunggati kong matutuhan din naman nang ibang manga kababayan kong Tagalog, at ganun din nang manga Ilokano, Bisaya, Kapangpangan, Bikolano at Pangasinan dahil ito rin ang kanilang sulat bagamat iba ang tawag nila rito.


Taliwas sa sinasabi nang iba na pinapatay raw nang Tagalog ang kanilang manga katutubong wika, hindi po totoo yun. Sapagka’t sila sila rin ang may pananagutan sa bagay na iyan, kung hahayaan nilang mamatay ang kanilang manga wika. Hindi nila dapat sisihin ang Tagalog. Sa manga kaibigan kong taga Indonesya, Thailand, India, Japan, Korea, Tsina, Malaysia, at iba pang nangasa Asya, ang wika nang pakikipagtalastasan namin ay Ingles dahil ito ang wika na nauunawaan at kayang salitain naming lahat. Alangan namang tagalugin ko sila. Alangan namang kausapin nila ako sa kanilang manga wikang Hapon, Intsik, o ano pa man. Hindi ko yun mauunawaan. Ang mahalaga sa pakikipagtalastasan ay ang pagkakaunawaan nang maliwanag sa sinasabi nang bawat panig.


Ano ba ang nais kong bigyang-diin sa sulating ito? Hindi natin kailangan ang pambansang wika o lumikha pa nang isang pambansang wika sa kapuluang ito. Sa kasalukuyan, kung tayong nangarito sa kapuluang ito ay nagkakaunawaan sa pamamagitan nang Tagalog, magpasalamat tayo sapagkat nagkakaunawaan tayo. Kung dito tayo nagkakaunawaan, ito ang ating “wika nang pakikipagtalastasan”. Ngayon kung hindi naman tayo magkaunawaan sa Tagalog, at sa Ingles tayo magkakasalubong nang unawa, kung gayon, Ingles ang gamitin natin. Ngayon naman kung sa Koreano tayo magkakaunawaan, Koreano ang gamitin natin. Ngunit sinu-sino ba ang marunong sa Koreano at magsulat nang Hangeul?  L 😃 L  Mayroong iilan lalo na sa manga “millennials” na marunong niyan.

Kung ikaw ay Pilipino at kinausap kita nang Tagalog at sumagot ka sa Tagalog, ibig sabihin ay nauunawaan mo at kayang salitain ang wika ko, kaya’t ito ang gagamitin nating “wika nang pakikipagtalastasan”. Ngayon kung hindi ka marunong magtagalog at hindi rin naman ako marunong magbisaya, maghiligaynon, magbikol, magkapangpangan o mag ilokano, hindi tayo magkakaunawaan. Sa ganitong bagay, ang pinakaimainam ay gumamit tayo nang wikang nauunawaan nating lahat at ito ang wikang Ingles. Ngunit gaya nang sinasabi ko, hindi kailangan nang Pambansang Wika at ang Ingles ay hindi dapat maging Pambansang Wika sa Kapuluan. Hindi ako sumasang-ayon sa pananaw na kailangan nang Pambansang Wika. Ang naging suliranin ay ito, isinabatas na ito sa Saligang Batas nang 1987, na ang “opisyal” raw na wika ay ang “Filipino” at ang Ingles. “Playing safe” pa sila na hindi tinawag na “Tagalog” ang “Filipino”. Sabagay hindi naman talaga Tagalog ang Filipino dahil walang titik “f” sa wikang Tagalog. Pansinin ninyo ang pagkakasulat ko sa “ng” at “mga”. Sa palatitikang Filipino ay “mali” ang gawa kong ito, ngunit sa Tagalog ay TAMA! May kaunting pagkakaiba na nga lang ang gamit kong ito na Tagalog at ang matandang Tagalog. Sa Matandang Tagalog ay gumagamit nang tilde ~ sa ibabaw nang “ng”  (n~g) ngunit walang ganito sa pangkasalukuyang Tagalog. Sa Matandang Tagalog, kapag ang nakasulat ay “manga” ang basa dini ay “MANG-GA”, at sa “mañga” ay “MA-NGA”. Bago pa iminungkahi ni Gat Jose Rizal ang manga titik na K at W at Y bilang pamalit sa manga titik na C at U/O at I na ginagamit noon sa tunog na “K”, “W” at “Y” ay mayroon na namang tunog na “K”. “W” at “Y” sa sinaunang sulat natin, ang Baybayin (bby[). May titik KAKA (k), WAWA (w) at YAYA (y) sa Baybayin. Noon ay isusulat nila ang salitang ARAW bilang “ARAO” ngunit ang tunog niyan ay “ARAW” (ar) at hindi “ARA-O” (aro). Ang “O” na nasa hulihan ay gumaganap na katinig at ang tunog ay “W”. Ang WIKA ay isinusulat na “UIKA” subalit ang tunog ay “WIKA” (w[k) at hindi “U-IKA” (uik). Ang KALAMANSI (klms[) ay isinusulat na CALAMANSI.  Ang ganiyan ay dulot pa rin nang palatitikang Kastila. Kaya’t ang ginagamit na natin sa kasalukuyang palatitikan at abakada ay ang ABAKADANG ipinakilala  ni Lope K. Santos, ang may 5 patinig na A, E, I, O at U at may 15 katinig na BA, KA, DA, GA, HA, LA, MA, NA, NGA, PA, RA, SA, TA, WA AT YA. Walang titik CA, QA, FA, JA, ÑA, VA, XA at ZA. Hindi na natin kailangan pang isulat ang ARAW bilang ARAO kundi ARAW. Ang O,U at I ay hindi na natin gagamitin pang katinig. Ang titik W at Y ang nararapat na titik sa manga tunog na iyan. Sa kasalukuyang Tagalog na ito, ang panuntunan ay “KUNG ANONG BIGKAS AY SIYANG BAYBAY/SULAT”. Hindi na rin tayo gagamit pa ng ~ ukol sa NANG. Sa kasalukuyan, madaling maunawaan na ang MANGA ay “MA-NGA” mq at ang MANGGA ay “MANG-GA”   mg na dili na gumagamit nang “~”.

Ang Filipino ay isang “artificial” na wika. Iginaya ito sa Tagalog, at sinikap na langkapan nang manga salita/ tingig mula sa iba’t ibang wika nang kapuluan ngunit sa paraang Tagalog pa rin ang pangungusap. Alam ninyo naman marahil ang “TUNAY” at ang “HUWAD”.  Magkatulad lang sila. Sa pera alam natin ang tunay at huwad. Ganoon din sa wika. Ang TAGALOG ang TUNAY na WIKA. Ang FILIPINO ang HUWAD na WIKA. Nais ring baguhin ng FILIPINO ang pangalan ng kapuluan natin at gawin itong FILIPINAS mula sa PILIPINAS. Sapagka’t ang titik “f” daw ay kumakatawan sa iba’t ibang wika ng PILIPINAS na may “f”. Ano yung “f”? Hindi ba’t ito’y tunog na “feminine” at bakla (beki kung tawagin ngayon)? Mahirap gumawa nang isang Pambansang Wika mula sa iba’t ibang wika nang Kapuluan sapagkat kailangang isa alang alang mo ang palatitikan (ortography) at balarila (grammar) nang bawa’t wika na lubhang magkakaiba talaga. Ang pangalang PILIPINAS nga ay hindi rin naman angkop sa atin sapagkat ipinangalan ito batay sa pangalan nang hari nang España na nanakop at naniil sa ating manga ninuno, si haring Felipe II. Maaaring sabihin nang ilan na ang dating pangalan nang Kapuluan ay FELIPENAS, FILIPINAS na naging PHILIPPINES lang dahil sa mga Kano at naging PILIPINAS sa dila nang manga Tagalog. Ngunit bakit pa natin ibabalik ang pangalan nang ating kapuluan sa FELIPENAS o FILIPINAS?

Hindi ba tayo maaari pang pumili lahat nang isang pangalan sa kapuluan natin na kakatawan sa bawa’t bansa (ethno-linguistic group) sa kapuluang ito? May nangagmumungkahi na ang pangalang ipalit sa PILIPINAS ay MAHARLIKA   (mhl[k ). Ang Maharlika ay mula sa salitang Sanskrit na “Maharddhika(very rich, prosperous or powerful) at sa Malay na “Merdeka” (free). Magandang pangalan ngunit kailangan pa ring isaalang-alang ang iba pang pamimilian. Isa pa, ang salitang “Maharlika” noong unang panahon sa Katagalugan ay isa lamang sa manga antas nang lipunan. Ang manga antas nang lipunan ay ang (1) Maginoo; (2) Maharlika; at (3) Alipin. Ang manga Maharlika ay ang malalayang mamamayan ngunit nangasa paglilingkod sa manga dato at manga Maginoo. Ang katumbas nang Maharlika sa manga Bisaya naman ay Timawa. Hindi tinawag noon na Maharlika ang bawa’t mamamayan at hindi rin tinawag na Maharlika ang kanilang lupain, ang sangkapuluang ito.

Mayroon din namang nagsasabi na marapat daw tawagin ang sangkapuluan bilang MA-I, MAYI, MAWAY, MAWAYAN, MAWI  ( mi my[ mw mwy mw[  ) at iba pang mungkahi. Gaya nga rin nang aking tinuran, kailangan nating isaalang-alang ang bawat mungkahi at pag-aralang mabuti kung ano nga ba talaga, na pinagtitibay rin naman nang manga kasulatan at kasaysayan at dili manga sabi-sabi o kathang-isip lamang.


Ngayong Buwan nang Agosto, na tinatawag nang Pamahalaan na “Buwan ng Pambansang Wika” ay itaguyod natin ang ating manga Katutubong Wika. Ito ay marapat tawaging “Buwan nang manga Katutubong Wika” ( #buwannangmangakatutubongwika2017 ) dahil iyon ang dapat nating bigyang-diin. Katutubong wika at hindi isang wikang “artificial” at “huwad”.  Kung mayroon tayong manga katutubong sulat, mayroon din naman tayong manga katutubong wika. Ang buwan nang Abril ang buwan nang manga katutubong sulat, at ang buwan naman nang Agosto ang buwan nang manga katutubong wika.


Ang manga katutubong wikang ito ang dapat palawigin at paunlarin. Hindi sila kailangang pagsamahin sa iisang wika at tawaging “Filipino”. Magkaiba ang bawa’t balarila at palatitikan nang bawa’t wikang katutubo natin kaya’t hindi maaaring pagsamahin. Hindi kailangang gumawa o kumatha nang isang wikang “artificial”  gaya nang Filipino upang tayo’y magkaunawaan. Paunlarin na lang ang bawa’t katutubong wika sa kapuluan. At kung ano ang bansa, ay ganoon dapat ang wika. Halimbawa, sa bansang Katagalugan, ang dapat na opisyal na wika ay ang Tagalog. Sa bansang Kapangpangan, ay kapangpangan dapat ang opisyal na wika. Ganoon din sa bawa’t bansa gaya nang sa Kabisayaan, Kailokanuhan, Kabikulan at iba pa.



Sa manga taong may magkakaibang wika, nararapat lamang na gumamit sila nang isang wikang mauunawaan nilang lahat o yung “common”. At iyan ang “communication”. Ibig sabihin nito ay “to make common”. Ano ba ang wika na “common” sa lahat? Hindi lang yan isang wika. Maaaring ito ay English, maaaring Tagalog, maaaring Intsik o anuman. Saan ba tayo magkakaunawaan na wika? Pag nasagot ninyo yan, ayun ang “wika nang pakikipagtalasatasan” o “language of communication”.

UK[T.
- UKITAN.




Tuesday, November 1, 2016

ANG KUDLIT NA KURUS AT ANG NAGING TUGON DITO

Ang Kudlit na Kurus

Sa tingin nang manga paring Kastila ay lubhang napakahirap gamitin ang Baybayin dahil di nasusulat ang huling katinig nito na walang patinig na “a”. Kaya’t upang mabigyang lunas ito, ang Kastilang Prayle na si Francisco Lopez ay kumatha nang “kudlit” sa ilalim sa titik upang mapahi o maalis ang patinig na “a”.  Kurus ang kudlit na ginamit niya. Hindi nakapagtataka dahil isa siyang tagapagpalaganap ng agamahang/relihiyong Katoliko.


Sinulat nang Kastilang Prayleng si Francisco Lopez ang ganito hinggil sa Baybayin:
“Ang sanhi nang paggamit nang manga tipong Tagalog [mga titik] sa paglilimbag nang Doctrina... ay upang simulan ang pagwawasto sa naturang Tagalog na pagsulat. Sa kasalukuyan, ito ay kulang na kulang at nakalilito (dahil walang paraan upang maisulat ang mga huling katinig - ibig sabihin, iyong [mga katinig] na walang patinig) kaya maging ang pinakamarunong na mambabasa ay dapat huminto sa pagbasa at isiping mabuti ang maraming salita upang hulaan kung alin ang talagang ibig bigkasin nang sumulat…”

Sa manga hindi katutubo, nahihirapan silang gumamit ng sinaunang Baybayin kaya’t nagtangka silang igaya ito sa manga alpabetong makakanluran (Latin) at ginawa nilang baguhin ang katangian ng Baybayin, isang katangiang kakaiba sa lahat nang sulat sa daigdig na ito.

Ang sabat na  idinagdag ni paring Francisco Lopez sa Baybayin ay ang kudlit na hugis kurus “+” na isinusulat sa ilalim ng titik.  Hindi tinanggap nang ating mga ninunong Tagalog ang ganitong pagbabago.  Sa kasalukuyan ay marami ang gumagamit ng kudlit na Kastila o kurus na kudlit  nang di nababatid ang kasaysayan nito.


Pahayag ni Pedro Andres de Castro tungkol sa manga saloobin nang manga katutubong Tagalog sa pagbabagong hatid ni Lopez noong taong 1776,

“Pagkatapos nilang purihin at pasalamatan ito, nagpasya silang hindi ito magagamit sa kanilang pagsulat dahil  laban daw ito sa katangiang ibinigay ng Diyos sa baybayin at sa isang hagupit ay maaaring masira ang palaugnayan, panulaan at palatitikan nang wikang Tagalog….”



Totoo na mukhang napadali ang pagsusulat at pag-unawa sa manga salitang Baybayin ngunit tandaan na ang kurus kudlit ay isang ambag ng dayuhang Kastila at hindi ito katutubong katangian nang Baybayin. 



Gaya nang parang sinasabi nang ating manga ninuno, “ayaw namin sa kudlit na kurus +”, yaon din ang aking pananaw. Bagamat gumagamit na tayo ngayon ng sabat/virama sa Baybayin, ipagpatuloy pa rin natin ang paggamit sa sinaunang o datihang Baybayin na walang sabat/ virama. Nananatili pa ring ang kakaibang katangian nang Baybayin ay ang kawalan nito nang virama at ang di pagsasama sa mga huling katinig sa pagsusulat.


Kapag isusulat ang isang salita, mapapansin na sa sinaunang/ datihang Baybayin (pre-kudlit), ay kakaunti lamang ang gamit na titik... dahil di na isinusulat ang huling katinig.

Halimbawa, sa salitang BUKID.

May sabat:   BUKID   bukidx

Walang sabat:   BUKID   buki


Magsulat tayo ng isang pangungusap. Pansinin ang kaibahan nang may sabat at ang walang sabat. Ang linis nang walang sabat. 




NAGTUNGO SA BUKID ANG AKING AMA UPANG MAGTANIM.
NG=tuQo s bukid= aq= akiq= am Upq= mg=tnim=
NATUNGO SA BUKI A AKI AMA UPA MATANI

ntuqo s buki a aki am Up mtni


Iyan ang isang katangian nang Baybayin. Maaaring mahirap unawain sa simula ang manga salita ngunit sa kalaunan ay masasanay rin tayo.  


Ang mga lagda nang manga tagarito noong araw ay sa Baybayin na walang sabat/virama. May manga halimbawa tayong makikita gaya nito.  (Larawan mula sa http://paulmorrow.ca/handwrit.htm)




Mapapansin sa unang lagda, sa kanan ang lagda ni Don Dionisio Capolong, ang dato nang Candaba, Pampanga, ang panganay na anak ni Lakandula. Ganito ang paglalagda noong araw sa pamamagitan nang datihang Baybayin. Kung babasahin natin, ang kanyang lagda ay “DO DIYONISO KAPOLO”. Wala ang manga huling katinig. DO(N) DIYONIS(IY)O KAPOLO(NG).  


doiyoniso kpolo

 

Ang ikalawa naman na nasa kanan ay lagda ni DON AGUSTIN KASSO. Ang kanyang lagda ay nakasulat na “DO AGU KASO”.  Nawala ang manga huling katinig at ilang titik, ayon sa ibig nang maylagda. DO(N) AGU(STIN) KASO.

doagukso

Marami pang halimbawa. Ngunit hayaan nating ang ilang lagdang ito ay makatulong sa atin upang makagawa rin tayo nang ating lagda na ayon sa datihang baybayin.

Kung ang aking pangalan pala ay MATEO ANGELES, ang aking lagda ay magiging MATEYO AHELE. 

mteyoahele


Subukan natin sa manga pangalang ito:

Apoy Eretzki            apoEreki    APOEREKI

Thomas Kennedy    tomkenedi     TOMAKENEDI

Larry Wilkinson        lriwikiso     LARIWIKISO

Daniel Garcia           dyegsiy     DAYEGASIYA

Ryan Delos Reyes    rydelosto   RAYADELOREYE

Isaias del Rio           Isyd{yo     ISAYADERIYO

Mariah Guzman       mrygum      MARAYAGUMA

Taki Matsumura       tkimsumur    TAKIMASUMURA

Grace Macapagal     geremkpg    GEREMAKAPAGA

Ivan Martini          Ibmtini       IBAMATINI


Inuki.hbgt. 

Sunday, October 30, 2016

UKITAN SULAT TAGALOG O AUI BAYBAYIN Ikalawang bahagi



Ang Palatitikang Tagalog at ang mga Banyagang Salita

Ang Ukitan o AUI Baybaying Tagalog ay unang-una ginagamit sa wikang Tagalog. Maaari din naman itong gamitin sa ibang wika gaya nang Filipino, Kastila, Ingles at iba pang wika. Ngunit ang anumang wikang paggagamitan nito ay kinakailangang umayon sa palatitikang Tagalog. Halimbawa, sa Hapon na ang isa sa mga sulat nila ay Katakana, ang manga hiram na salita na may “la” ay magiging “RA”. Ang pangalang “LARRY” ay magiging “RARI”. Gayundin sa Tagalog, ang anumang “Ra” na hiniram ay nagiging “DA” o “LA” sa Sulat Tagalog. Ang “VA” ay magiging “BA”, ang “FA” at “PHA” ay magiging “PA”, ang ”ZA” ay magiging “SA”, ang “CA” at “QA” ay magiging “SA” at ang “CE/CI” ay magiging “SI”.

Wala ring “C-C-V” o KATINIG-KATINIG-PATINIG sa Tagalog. Ang manga salitang nagsisimula sa KR ay magiging KAD/KUD/KID o KAL/KUL/KIL ayon sa sumunod na patinig dito. Halimbawa, ang KRUS/ CRUZ ay magiging KUDUS/KULUS. Ang mga salitang nagsisimula sa TS ay magiging TAS o TIS o TUS ayon sa patinig na susundan nito. Halimbawa, ang TSUNAMI ay magiging TUSUNAMI, ang TSINELAS ay magiging TISINELAS o TIYINELAS, ang TSA ay TASA o TAYA, ang TSONG ay magiging TOSONG o TIYONG. O kaya naman ang TS ay magiging S dahil walang titik na TS sa Tagalog. Ang pangalang FRANCESCO (PRANTSESKO) ay magiging PADANTISISKU o PADANSISKU/ PADASIKU. Ang manga salitang nagsisimula sa SH/ SY gaya ng SHAMPOO ay isusulat na SIY. Kaya’t ito ay magiging SIYAMPU. Ang salitang TROPEYO ay magiging TUDUPIYU/ TULUPIYU.  Ang salitang SUMBRERO ay magiging SAMBALILU. Ang salitang TRES at THREE ay magiging TILIS/TIDIS at TILI/ TIDI o mainam-inam isalin na lang sa Tagalog, TATLU.

Bagamat ginagawa ng iba ang pagsusulat ng KRUS bilang KDUS o KLUS sa Baybayin, sa pamamagitan ng paglalagay ng sabat/ virama sa K gaya nito K+LuS+., hindi ito marapat.  Ang palatitikang Tagalog ay nagdaragdag ng patinig sa pagitan ng K at L kayat ito ay magiging KuL o Kud. Ang KRUS/CRUZ ay magiging KULUS/KUDUS. Ang TRINITY o TRINIDAD ay masusulat bilang TILINITI o TILINIDAD.

CRUZ             KRUS             KUDUS           KULUS
CRISTO          KRISTO          KIDISITU        KIDITU    KILITU
CHRISTMAS  KRISMAS       KIDISMAS      KILISMAS
                       KILISIMAS
CRISTIANO    KRISTIYANO  KILISTIYANO  KIDITIYANO
CRAB             KRAB             KALAB            KADAB
CRAZY           KREYSI          KILISI
CLOSE           KLOWS          KULUS
CLING            KLING            KILING
CLASS           KLAS              KALAS
CLASSE         KLASE            KALASI
CLASSIC        KLASIK           KALASIK
CLASSICAL    KLASIKAL       KALASIKAL
BLESSED       BLESED         BILISID
BLOOD           BLAD              BALAD
BROTHER      BRADER        BALADIL         BADADIL
BRANDY        BRANDI          BALANDI        BADANDI
DRAWING      DROWING      DULUWING                                 
DRESS           DRES             DILIS
DRACULA      DRAKULA      DALAKULA
DRIVER          DRAYBER      DALAYBIL
DRY               DRAY             DALAY
TSUNAMI       TSUNAMI       TUSUNAMI     SUNAMI
TSINELAS      TISINILAS      SINILAS 
TSEK              TISIK              SIK
TSONG           TUSUNG        SUNG
CHESS           TSES              TISIS / TIYIS
CHINA            TSINA             TISINA    SINA
FRANCESCO PRANTSESKO       PADANTISISKU    
FRANCISCO  PRANSISKO           PADASIKU
FRANCES      PRANSES              PALANSIS
FRIEND          PREND                  PILIN
FRIENDSHIP  PRENSYIP             PILINSIYIP
PRIME            PRAYM                  PALAYIM
PRETER         PRETER                PILITIL
PRIEST          PRIST                    PILIS
PROFESSOR PROPESOR           PULUPISUL
PROMISE       PRAMIS                 PALAMIS
PROJECT       PRADYEK              PALADIYIK     PALAYIK
PRIVILEGIO   PRIBILEHIYO         PILIBILIHIYU
PRINCIPIO     PRINSIPYO           PILINSIPYU
PRINCIPE      PRINSIPE              PILINSIPI
PRINCESA     PRINSESA             PILINSISA
PRECIO         PRESYO                PILISYU
PLEASE         PLIS               PILIS
PLASTER       PLASTER       PALASTIL
PLEROMA      PLIROMA       PILIDUMA
SHAMPOO     SYAMPU                SIYAMPU
CHEF             SYEP              SIYIP
FIANCEE               PIYANSEY      PIYANSIY
FREDERICK   PREDERIK     PILIDILIK
SOMBRERO   SUMBRERO   SUMBILILU    SAMBALILU
TRAFFIC        TRAPIK          TARAPIK        TALAPIK
TRICYCLE      TRAYSIKEL    TALAYSIKIL
TRIANGLE      TRAYANGGEL       TALAYANGGIL
TROMPETA    TRUMPETA           TULUMPITA
TRAINING      TREYNING            TILINING
TROPEO        TROPEYO      TUDUPIYU     TULUPIYU
TRES              TRES              TIDIS              TILIS
THREE           TRI                 TIDI                TILI
TRINITY         TRINITY         TIDINITI          TILINITI
THOR             TOR               TUD                TUL
CHECK           TSEK              TISIK              SIK
FLOW             PLOW             PULUW         
FLU                PLU                PULU
QUEEN           KWIN              KUWIN
TOOTHBRUSH      TUTBRAS       TUTBALAS
BRITANIA              BRITANYA      BIDITANYA     BILITANYA
ANGEL           ENDYEL         INDIYIL          INYIL
ANGELICA     ANDYELIKA   ANDIYILIKA    ANYILIKA
JEEPNEY       DYIPNI           DIYIPNI          YIPNI
JESUS            DYISUS          DIYISUS         YISUS
JEHOVAH      DYIHOBA       DIYIHUBA      YIHUBA
JOSHUA         DYOSWA               DIYUSUWA    YUSUWA
JEDIDIAH       DYEDIDAYA   YIDIDAYA       YIDIDIYA
JEREMY         DYEREMI       YIDIMI            YILIMI
JERUSALEM  DYIRUSALEM YILUSALIM     YIDUSALIM
JERICHO               DYERIKO       YILIKU    YIDIKU
JACOB           DYEKOB        DIYIGU   YIGU
JACOB           DYAKOB        YAKUB    YAGU
JOSEPH         DYOSEP        YUSIP
JORGE           DYORDS        YULDUS
GEORGIA       DYORDYA      YULDIYA
JEZEBEL        DYESEBEL     YISIBIL   ISABIL
JUJITSU         DYUDYITSU   YUYITSU
JAPAN            DYAPAN         YAPAN
JAKARTA       DYAKARTA    YAKALTA
EGYPT           IDYIP              IDIYIP     IYIP
GENERAL      DYENERAL    YINIDAL       YINILAL
ELECTRIC      ELEKTRIK      ILIKTIK
ELECTRICITY        ELEKTRISITI          ILIKTISITI
ELECTRIC FAN     ELEKTRIK PAN      ILIKTIK PAN
PLASTIC        PLASTIK         PALASTIK
PRAYER         PREYER         PIDIYIL
PLAYER         PLEYER         PILIYIL
GREGG          GREG             GILIG
GREGORIO    GREGORYO   GILIGULYU
GRACIA         GRASYA        GALASIYA/ GADASIYA
GRAVA           GRABA           GALABA
GREEN          GRIN              GILIN
GLEE              GLI                 GILI
GLOW            GLOW            GULUW
GLORIA          GLORYA        GULUDIYA
GRECIA         GRESYA        GILISYA
GRIEGO         GRIYEGO       GILIYIGU




Mahirap isulat sa baybayin ang mga salitang panay C-C-C gaya ng mga salitang Aleman. Ang pangalang AUSTRIA na anyong Latin ng Alemang OSTERREICH pag tinagalog ay AWSTRIYA. Mapapansin na sa anyong ito ay may tatlong katinig (consonant) na magkakasunod.  Tingnan sa mga sinalungguhitan.  AWSTRIYA. Ang mga magkakasunod na katinig ay WST at R na kasunod ay patinig na I. Paano ito isusulat sa Baybayin? Tandaan, na hindi marapat na panay katinig na magkakasunod na lalagyan mo lamang ng X. Hindi! Ang mga ito ay sinisingitan ng patinig. Sa ganitong paraan, ang AWSTRIYA ay magiging AWUSUTIDIYA/ AWUSUTILIYA. O maaari din namang ang AW ay maging O/U kayat ito ay magiging USUTIDIYA/ USUTUDIYA. Maaari ding mawala ang “T” sa AWSTRIYA/USTRIYA. Magiging ASUDIYA/ USUDIYA. Sa sinaunang baybayin na walang sabat, ang AUSTRIA ay ADIYA/ ALIYA o ULIYA/UDIYA. Sa Hapon, ang AUSTRIA ay OSUTORIA. Sa Kuryano ay OSEUTEULIA. Sa Insik ay AODILI. Ang OSTERREICH ay OSTERIK sa tinagalog at magiging USUTILIK o USUTIDIK sa sulat Baybayin. Yan ang katangian ng Baybayin. Maaaring tanggalin ang “T” sa OSTERIK, kaya ito ay magiging OSRIK at sa sulat Baybayin ay USDIK/ USLIK/ USULIK  o USUDIK. Sa sinaunang Baybayin na walang sabat/virama ay USUDI/USULI o UDI/ULI.

Ang pangalan ng lupaing/lupalop na AUSTRALIA ay binibigkas sa Tagalog na AWSTRALYA o OSTRALYA. Ito ay maisusulat sa Ukitan bilang AWUSUTADALYA o USUTADALYA.  Maaaring tanggalin ang “T” kayat ito ay magiging ASUDALYA/ USUDALYA. Sa sinaunang Baybayin na walang sabat/virama, ito ay ASUDAYA/ USUDAYA/ ADAYA/ UDAYA. Ang salitang AUSTRONESIA  ay binibigkas sa Tagalog na OSTRONESYA/OSRONESYA kayat masusulat ito sa Ukitan bilang USUTULUNISYA/USUTUDUNISYA/ USUDUNISYA/ USDUNISYA/ USLUNISYA. Sa sinaunang Baybayin na walang sabat/virama, ito ay nasusulat bilang UDUNISIYA/ USUDUNIYA/USULUNIYA o UDUNIYA/ULUNIYA.

AUST-RIA              AWSTRIYA            OSTRIYA
USU-DIYA              U-DIYA          A-DIYA 
AUSTRALIA           AWSTRALYA         OSTRALYA
USADALIYA           UDAYA          ADAYA  
AUSTRO-NESIA     AWSTRONESYA    OSTRONESYA      
USUDU-NISIYA     UDU-NISIYA/ UDU-NIYA         ADU=NIYA

Sa ganang akin, yung pinakamaikli ang pipiliin ko.

Ang salitang WORLD ay tatlong magkakasunod na katinig. Kung isusulat yan sa Ukitan, yan ay magiging WULUD/ WULULUD. Sa makalumang Ingles, yan ay WOROLD.  Sa sinaunang Baybayin ay WU o WULU. Kaya nga napakahirap isulat ang mga banyagang salita lalo na ang Ingles sa Ukitan/ Baybayin. Kung magagawa, isalin na lang sa katutubong salita ang world at ito ay DAIGDIG. Iyana ng pinakamainam.


It}lo