Ang Inukit / Ukitan ay Sulat Tagalog. Hindi ito ABCD, ABECEDARIO o ALPHABETA kundi isang ABAKADANG PALAPANTIGAN (syllabic alphabet; alphasyllabary). Ito ang Katutubong Sulat nang Bansang Katagalugan at nang lahat nang Bansa nang Sangkapuluang ito. Itinataguyod at isinusulong namin unang-una ang Ukitan, na Sulat Tagalog sa Bansang Katagalugan.

Iba't Ibang Sulat nang Baibayin sa Sangkapuluan at Pulong-habagatan

Ang larawang ito ay nagpapakita nang iba't ibang sulat nang Baibayin sa buong Sangkapuluan at manga karatig-bansa sa Pulong-habagatan (austronesia).  Ang Cuadro Paleografico na ito ay iginuhit ni Pedro Paterno noong taong 1892? at napagkakamaliang magkakaibang alpabeto. Ngunit hindi ito iba't ibang alpabeto kundi iba't ibang sulat kamay lamang nang gayunding titik. Halimbawa, iisa lang ang sulat nang kapampangan, ilokano at tagalog. Yaong sulat kamay lamang ang nagkakaiba. Isang halimbawa ay sulat Latin. Isulat natin ang salitang "sulat" sa Latin.  Yaon ding manga sulat ngunit iba't ibang paraan lang nang pagsusulat kamay. 


sulat sulat
sulat sulat
sulat sulat
sulat sulat
sulat sulat
sulat sulat

sulat sulat sulat
sulat sulat
sulat sulat
sulat sulat
sulat  sulat
sulat sulat
sulat sulat



No comments:

Post a Comment