Ang Kasulatáng Kamaharlikâán ay isáng salin nang Banál na Kasulatán na patungkól sa manga salitâ nang Panginoóng Bathalà na batay lamang sa manga Kasulatáng Krestiyano samakatuwíd ay ang Yuanggelyon at Apostolikon. Ang salitâng Maharlikâ ay gaya sa salitâng Mahardhanika nang Sanskrit na ang kahulugán ay “lubhâng mayaman/ masagana”. Ang Maharlikâ rin ay “malayà” at “pinalayà”. Sa Mabiyayà, inalís niyá ang anománg antás nang lipunan. Lahát ay pantáy-pantáy at “Maharlikâ”. Sa bagay na itó, ibinabatay ang paggamit nang salitâng Maharlikâ sa saling itó. Dini ang salitâng “liberty” ay isinasalin bilang “Kamaharlikâán”. Ang salitang “maharlikâ” ay nangangahulugán din namáng “maliwánag na paglalakbáy”. Mulâ sa salitâng Yabarít: na MAÁR’LAKAW. Maár – ilaw, ningníng at masayá; at Lakaw – paglalakád/ paglalakbáy. Ang Kasulatáng itó ay Kasulatán nang Kamaharlikâán sa Mabiyayàng Ísu.
Ang Yuanggelyon (Ang Mabuting Balità nang Panginoón) ang unang mabuting balitàng salaysáy na nasulat. Si Paulo na Sugòng pilî ang sumulat kung hindî ay nagpasulat nang salaysáy na itó nang mabuting balità. Binanggít ni Paulo na ang mabuting balitàng dalá niyá ay nagmulâ hindî sa tao ni sa turò nang sinománg tao kundî mulâ sa tuwirang pahayág sa kaniyá nang Panginoóng Ísu na Mabiyayà mulâ sa langit. (Galatiya 1.8-9, 1.11; 2.2,7; Roma 2.16; 1 Tesalonika 1.5; 2 Tesalonika 2.14). Ang Yuanggelyon na ginamit nang taong pangulo nang manga may hidwâng paniniwalà (sa pananáw nang Simbahang Katolika) na si Markiyon (Marcion) ang taál at tunay na mabuting balitàng pinagbatáyan nang salaysáy nang mabuting balitàng ayon kay Lukas. Si Markiyon na isáng tagapangasiwà (episkopos) sa Sinope, Turkiye.
Ayon sa isáng kinagisnan, si Paulo na Sugòng pilî (apostle) ay nagtatág nang hanay nang manga Tagapangasiwà/ Episkopos na Apostoliko (Apostolic line of bishops) sa lungsód nang Alesandriya noóng A.D. 38, at tinatawag rin si Paulo sa banság na Markos at Iuhanan/ Ioannes. Si Markiyon na Tagapangasiwà ang ikapitó sa manga Tagapangasiwàng itó mulâ A.D. 142 hanggáng 152. Ang kahulugán nang Markiyon ay “maliít na Markos” dilì kayâ ay “tagasunód ni Markos”. Kayâ ang manga Markiyonahin (Marcionites) ay manga tagasunód ni Markos na siyáng si Paulo. Samakatuwíd ang Markiyonahin (Marcionite) ay yaón ding Pauloni (Paulinian).
Pinagtibay ni Markiyon (Marcion) na Tagapangasiwà nang Alesandriya ang Apostolikon (10 sulat ni Paulo) bilang Kasulatáng Krestiyano na si Paulo ngâ talagá ang nagpahayag na ang manga iyón ay buhat sa pagbubunyág nang Panginoóng Ísu sa kaniyá. Nang lumaon ay gumawâ ang Simbahang Katolika nang sarili nitóng Kanon/ Saligan na sa halip na 11 aklát lamang ay 27 aklát nang Bagong Tipán na kagaya sa kung anóng sipì ngayón na mayroón tayo. Itó ang Kanong Katoliko laban sa Kanong Krestiyano/ Markiyoni.
Sangpû lamang sa manga kinilalang sulat ni Paulo na Sugòng pilî ang bahagi nang Apostolikon at hindî kasama ang tinatawag na “sulat pastorál”, ang manga yaón ay ang manga sulat kay Timoteyo (1 at 2) at kay Tito. Itó ang tinatawag na “manga huwád na sulat ni Paulo” at naglalamán nang bathalàang katoliko (Catholic Theology). Taóng A.D. 172 nang sinulat nang manga amá nang Simbahang Katolika ang ibáng salaysáy nang mabuting balità. Kumathâ ang Simbahang Katolika nang manga sulat kay Timoteyo at Tito noóng ikalawáng dangtaón. Ginawâ nilá ang manga yaón upang salangsangín ang pananámpalatayàng Markiyoni.
Hindî rin kasama sa Apostolikon ang manga sulat sa manga Yabarí, ni Iyakob (James), ni Petro (Peter), ni Iohanan (John) at ni Iwodaw (Jude), at ang Apokalupsis (Apocalypse). Magíng ang sangpûng sulat sa Apostolikon ay hindî nakaligtás sa “dagdág-bawas” nang manga amá nang Simbahang Katolika. May manga isiningit silá sa manga sulat upang magpatibay sa kaniláng turò na si Jesus ang Pinahiran (Mesiyás) nang Bathalà nang manga Iwodi na si Iwo/ Yahweh. Nagsingit silá nang manga talatàng mulâ sa Lumàng Tipán sa manga sulat ni Paulo upang ipakita na si Jesus ang tumupád sa hulà bilang Mesiyás ni Yahweh. Ang aklát nang Gawâ ay isáng akdâ nang Simbahang Katolika upang ipakita na si Jesus ang Pinahiran ni Yahweh, at si Paulo ay sinugòng apostól nang Mesiyás na na iyán.
Ang pangalang ginamit sa Panginoóng Jesus batay sa kaniyáng pangalang Yabarít ay ISHAY na nangangahulugáng “magligtás”. Sa Elenika namán ay ΙΗΣΟΥΣ/ιησους, IESOUS na ang bigkás ay IISUS, Batay sa payák na Yabarít at Elenika, ang pangalang gagamitin sa saling itó ay ÍSU.
Ang pamagát na ginamit sa Panginoóng Jesus sa saling itó ay “Mabiyayà” (Mabuti/ Mabaít). Itó ang kahulugán nang Elenika na ΧΡΗΣΤΟΣ/ χρηστος na ang bigkás ay KRESTOS. Hindî itó ang ΧΡΙΣΤΟΣ/ χριστος na Mashih (Mesiyás) sa Yabarít na ang kahulugán ay “Pinahiran nang langís”.
May dalawáng PAGBUBUNYÁG ayon kay Paulo: “ang manga itó ang DALAWÁNG PAGBUBUNYÁG; ang ISÁ ay mulâ sa bundók nang Sini, ang simbahan nang manga Iwodi, na ayon sa batás, ay nagbubunga patungò sa PAGKAALIPIN. Datapuwâ’t ang ISÁ ay nagbubunga patungò sa KAMAHARLIKÂÁN, sa kaibá-ibabáwan nang lahát na pamunuán, at kapamahaláan, at kalakásan, at pagkasakop, at bawa’t pangalang ipinapangalan, hindî lamang sa daigdíg na itó, kundî doón rin namán sa daratíng: ang banál na kalipunáng ipinangakò sa atin, na siyáng ating iná.” [Ga 4.23,24]
Ang unang pagbubunyág, ang LUMÀNG TIPÁN ay ginawâ nang bathalàng si Iwo sa manga Isar'áli. Tinatawag itó ni Paulo na “paglilingkód nang kamatayan” at nang “kahatulán”. Itó yaóng “batás” (law) ni Masáw (Moses) at “pagkaalipin” (slavery/ bondage).
Ang ikalawáng pagbubunyág, ang BAGONG TIPÁN ay ginawâ nang Mabuting (Chrestos) Poóng (Kurios) Bathalà (Theos) na Kataástaásan ngâ, si Ísu, na siyá ay bumabâ mulâ sa kataástaásang kalangitán sa anyông tao bilang “ANÁK” at namatáy sa túlos upang iligtás ang sangkatauhan sa masamâng daigdíg na pinamahalâan ni Iwo. Tinatawag itó ni Paulo na “paglilingkód nang diwà/ batlayà”. Sa Bagong Tipán ni Ísu ay ang “biyayà” (favor) at “kamaharlikâán” (liberty/ freedom).
Sa manga nagnanais nang sipì sa anyông PDF nang aklát na itó, lumiham lamang sa dagliham (email) na tagalogsulat@gmail.com at turokatabim@gmail.com . Itó po ay walâng bayad.
Mabuhay! Kamaharlikâán sa lahát!
No comments:
Post a Comment