Ang Inukit / Ukitan ay Sulat Tagalog. Hindi ito ABCD, ABECEDARIO o ALPHABETA kundi isang ABAKADANG PALAPANTIGAN (syllabic alphabet; alphasyllabary). Ito ang Katutubong Sulat nang Bansang Katagalugan at nang lahat nang Bansa nang Sangkapuluang ito. Itinataguyod at isinusulong namin unang-una ang Ukitan, na Sulat Tagalog sa Bansang Katagalugan.

Saturday, April 27, 2019

Ang Payak na Baybayin 17, Isang Palapantigang ABaKaDa


Ang payak na baybayin 17, palapantigang Abakada

Ang Baybayin ay binubuo ng 17 titik. Tatlo ang patinig, A I U at labing-apat naman ang katinig: Ba Ka Da Ga Ha La Ma Na Nga Pa Sa Ta Wa Ya.

Ang  I at U ay kumakatawan din sa E at O. Ang Da ay kumakatawan din sa Ra, kaya ito ay tinatawag na DaRa.

Ang Baybayin ay isa ring pamilang. Ang Ayos nitong Abakada ay may bilang na 1 2 3 4.

1 A
2 Ba
3 Ka
4 Da-Ra
5 I-E
6 Ga
7 Ha
8 La
9 Ma
10 Na
11 Nga
12 U-O
13 Pa
14 Sa
15 Ta
16 Wa
17 Ya

A unang titik, Ma ang pang siyam na titik at Ya ang huling titik.

Napakapayak lang o simple, ang Baybayin. Panoorin ang video.

https://www.youtube.com/watch?v=sv1jQPSX3mI&feature=share


No comments:

Post a Comment