Ang Inukit / Ukitan ay Sulat Tagalog. Hindi ito ABCD, ABECEDARIO o ALPHABETA kundi isang ABAKADANG PALAPANTIGAN (syllabic alphabet; alphasyllabary). Ito ang Katutubong Sulat nang Bansang Katagalugan at nang lahat nang Bansa nang Sangkapuluang ito. Itinataguyod at isinusulong namin unang-una ang Ukitan, na Sulat Tagalog sa Bansang Katagalugan.

Tuesday, November 1, 2016

ANG KUDLIT NA KURUS AT ANG NAGING TUGON DITO

Ang Kudlit na Kurus  ᜀ||ᜃᜓᜎᜒ||ᜈ||ᜃᜓᜇᜓ||

Sa tingin nang manga paring Kastila ay lubhang napakahirap gamitin ang Baybayin dahil di nasusulat ang huling katinig nito na walang patinig na “a”. Kaya’t upang mabigyang lunas ito, ang Kastilang Prayle na si Francisco Lopez ay kumatha nang “kudlit” sa ilalim sa titik upang mapahi o maalis ang patinig na “a”.  Kurus ang kudlit na ginamit niya. Hindi nakapagtataka dahil isa siyang tagapagpalaganap ng agamahang/relihiyong Katoliko.

Sinulat nang Kastilang Prayleng si Francisco Lopez ang ganito hinggil sa Baybayin:
“Ang sanhi nang paggamit nang manga tipong Tagalog [mga titik] sa paglilimbag nang Doctrina... ay upang simulan ang pagwawasto sa naturang Tagalog na pagsulat. Sa kasalukuyan, ito ay kulang na kulang at nakalilito (dahil walang paraan upang maisulat ang mga huling katinig - ibig sabihin, iyong [mga katinig] na walang patinig) kaya maging ang pinakamarunong na mambabasa ay dapat huminto sa pagbasa at isiping mabuti ang maraming salita upang hulaan kung alin ang talagang ibig bigkasin nang sumulat…”

Sa manga hindi katutubo, nahihirapan silang gumamit ng sinaunang Baybayin kaya’t nagtangka silang igaya ito sa manga alpabetong makakanluran (Latin) at ginawa nilang baguhin ang katangian ng Baybayin, isang katangiang kakaiba sa lahat nang sulat sa daigdig na ito.

Ang sabat na  idinagdag ni paring Francisco Lopez sa Baybayin ay ang kudlit na hugis kurus “+” na isinusulat sa ilalim ng titik.  Hindi tinanggap nang ating mga ninunong Tagalog ang ganitong pagbabago.  Sa kasalukuyan ay marami ang gumagamit ng kudlit na Kastila o kurus na kudlit  nang di nababatid ang kasaysayan nito.



Pahayag ni Pedro Andres de Castro tungkol sa manga saloobin nang manga katutubong Tagalog sa pagbabagong hatid ni Lopez noong taong 1776, 

“Pagkatapos nilang purihin at pasalamatan ito, nagpasya silang hindi ito magagamit sa kanilang pagsulat dahil  laban daw ito sa katangiang ibinigay ng Diyos sa baybayin at sa isang hagupit ay maaaring masira ang palaugnayan, panulaan at palatitikan nang wikang Tagalog….”



Totoo na mukhang napadali ang pagsusulat at pag-unawa sa manga salitang Baybayin ngunit tandaan na ang kurus kudlit ay isang ambag ng dayuhang Kastila at hindi ito katutubong katangian nang Baybayin. 


Gaya nang parang sinasabi nang ating manga ninuno, “ayaw namin sa kudlit na kurus +”, yaon din ang aking pananaw. Bagamat gumagamit na tayo ngayon ng sabat/virama sa Baybayin, ipagpatuloy pa rin natin ang paggamit sa sinaunang o datihang Baybayin na walang sabat/ virama. Nananatili pa ring ang kakaibang katangian nang Baybayin ay ang kawalan nito nang virama at ang di pagsasama sa mga huling katinig sa pagsusulat.


Kapag isusulat ang isang salita, mapapansin na sa sinaunang/ datihang Baybayin (pre-kudlit), ay kakaunti lamang ang gamit na titik... dahil di na isinusulat ang huling katinig.

Halimbawa, sa salitang BUKID.

May sabat:   BUKID   ᜊᜓᜃᜒᜇ᜔

Walang sabat:   BUKID   ᜊᜓᜃᜒ


Magsulat tayo ng isang pangungusap. Pansinin ang kaibahan nang may sabat at ang walang sabat. Ang linis nang walang sabat. 

ᜈᜄ᜔ᜆᜓᜅᜓ|| ᜐ|| ᜊᜓᜃᜒᜇ᜔|| ᜀᜅ᜔|| ᜀᜃᜒᜅ᜔|| ᜀᜋ ||ᜂᜉᜅ᜔|| ᜋᜄ᜔ᜆᜈᜒᜋ᜔||
NAGTUNGO SA BUKID ANG AKING AMA UPANG MAGTANIM.

ᜈᜆᜓᜅᜓ|| ᜐ|| ᜊᜓᜃᜒ|| ᜀ|| ᜀᜃᜒ|| ᜀᜋ|| ᜂᜉ|| ᜋᜆᜈᜒ||
NATUNGO SA BUKI A AKI AMA UPA MATANI.

Iyan ang isang katangian nang Baybayin. Maaaring mahirap unawain sa simula ang manga salita ngunit sa kalaunan ay masasanay rin tayo.  

Ang mga lagda nang manga tagarito noong araw ay sa Baybayin na walang sabat/virama. May manga halimbawa tayong makikita gaya nito.  (Larawan mula sa http://paulmorrow.ca/handwrit.htm)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEilbmzeELiZbUGikbr3D6rbLLpbZfscrMNnd1EdSqoSTz8Khi4egqAe0jXT8iUT524t1NVmciDWFl_XOAsQwF9NkJBqPz6MwzMNRFv7xCOujxyN1Y4w5OXNvgQb0m090QAoK8id9rFoLUY/s1600/mga+lagda+1600s.jpg




Mapapansin sa unang lagda, sa kanan ang lagda ni Don Dionisio Capolong, ang dato nang Candaba, Pampanga, ang panganay na anak ni Lakandula. Ganito ang paglalagda noong araw sa pamamagitan nang datihang Baybayin. Kung babasahin natin, ang kanyang lagda ay “DO DIYONISO KAPOLO”. Wala ang manga huling katinig. DO(N) DIYONIS(IY)O KAPOLO(NG).  
ᜇᜓᜇᜒᜌᜓᜈᜒᜐᜓ ᜃᜉᜓᜎᜓ

Ang ikalawa naman na nasa kanan ay lagda ni DON AGUSTIN KASSO. Ang kanyang lagda ay nakasulat na “DO AGU KASO”.  Nawala ang manga huling katinig at ilang titik, ayon sa ibig nang maylagda. DO(N) AGU(STIN) KASO.
ᜇᜓ ᜀᜄᜓᜆᜒ ᜃᜐᜓ
Marami pang halimbawa. Ngunit hayaan nating ang ilang lagdang ito ay makatulong sa atin upang makagawa rin tayo nang ating lagda na ayon sa datihang baybayin.

Kung ang aking pangalan pala ay MATEO ANGELES, ang aking lagda ay magiging MATEYO AHELE. 
ᜋᜆᜒᜌᜓ ᜀᜑᜒᜎᜒ

Subukan natin sa manga pangalang ito:
Apoy Eretzki            ᜀᜉᜓᜁᜇᜒᜃᜒ APOEREKI
Thomas Kennedy    ᜆᜓᜋᜃᜒᜈᜒᜇᜒ   TOMAKENEDI
Larry Wilkinson        ᜎᜇᜒᜏᜒᜃᜒᜐᜓ    LARIWIKISO
Daniel Garcia           ᜇᜌᜒᜄᜐᜒᜌ    DAYEGASIYA
Ryan Delos Reyes    ᜇᜌᜇᜒᜎᜓᜇᜒᜌᜒ  RAYADELOREYE
Isaias del Rio          ᜁᜐᜌᜇᜒᜇᜒᜌᜓ   ISAYADERIYO
Mariah Guzman       ᜋᜇᜌᜄᜓᜋ      MARAYAGUMA
Taki Matsumura       ᜆᜃᜒᜋᜐᜓᜋᜓᜇ   TAKIMASUMURA
Grace Macapagal     ᜄᜒᜇᜒᜋᜃᜉᜄ   GEREMAKAPAGA
Ivan Martini         ᜁᜊᜋᜆᜒᜈᜒ    IBAMATINI
Marty Austria          ᜋᜆᜒᜀᜇᜒᜌ    MATIADIYA
Siklab Apulaka        ᜐᜒᜎᜀᜉᜓᜎᜃ      SILAAPULAKA

Chuck Ramon               ᜐᜇᜋᜓ              SADAMO

Pahusay Kudarat          ᜉᜑᜓᜐᜃᜓᜇᜇ     PAHUSAKUDARA
Gat Dayaw                  ᜄᜇᜌ                     GADAYA





ᜁᜈᜓᜃᜒ||ᜑᜊᜄᜆ||



No comments:

Post a Comment