UKITAN SULAT TAGALOG
O AUI BAYBAYIN
ᜂᜃᜒᜆ᜶ᜐᜓᜎ᜶ᜆᜄᜎᜓ᜶
ᜂ᜶ᜀᜂᜁ᜶ᜊᜊᜌᜒ᜶
ᜂ᜶ᜀᜂᜁ᜶ᜊᜊᜌᜒ᜶
ANG AYOS
O PAGKAKASUNUD-SUNOD
Hindi ito
ang ayos:
A BA KA
DA E GA HA I LA MA NA NGA O PA RA SA TA U WA YA
Hindi rin ito ang ayos:
A B C D E
F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z
Ang Baybayin/ Ukitan/ Sulat Tagalog ay hindi hinalaw sa Alpabetong
Latin, Kastila at Inggles hindi gaya ng Abakadang Pilipino at Makabagong
Alfabetong Filipino.
May gumagawa rin ng pagkakaayos ayon sa alpabeto, marahil ay upang
madaling maunawaan ng nasanay sa alpabeto o abakada. Gaya
nito:
A I U BA KA DA GA HA LA MA NA NGA PA SA TA WA YA gaya sa Paris Codex 1590.
A I U BA KA DA GA HA LA MA NA NGA PA SA TA WA YA gaya sa Paris Codex 1590.
Ito naman sa ilang ayos:
AA BABA KAKA DADA II GAGA HAHA LALA MAMA NANA NGANGA UU PAPA SASA TATA WAWA YAYA gaya ng kay P. Andres de Castro, 1776
Mayroon
naman ding gumagamit ng ayos na ito:
AA II UU KAKA GAGA NGANGA TATA DADA NANA
PAPA BABA MAMA YAYA LALA WAWA SASA HAHA gaya ng kay Gat Jose Rizal.
Ang AUI Baybayin ay hindi isang alpabeto na ang bawat titik ay
isang katinig o isang patinig lang . Ang AUI baybayin ay isang Palapantigan
(Alpha-syllabary) kung kaya’t ang bawat titik nito ay pantig na binubuo ng
katinig-patinig (C-V pattern). Halimbawa: sa alpabeto, ang salitang
“dagat” ay 5 titik, D-A-G-A-T, ngunit sa palapantigan ang salitang dagat ay 2
titik lamang “DA-GA” kung sa sinaunang baybayin. Ang salitang “ilog” sa
alpabeto ay 4 na titik, “I-L-O-G”, ngunit sa palapantigan ito ay 2 titik lamang
“I-LO”.
Ang tamang ayos ng Baybayin ay ito, ayon sa pagkakasulat nito sa aklat na Doctrina Christiana na unang aklat na inilimbag sa Maynila noong 1593:
ᜀᜂᜁ ᜑᜓᜒ
ᜉᜓᜒ ᜃᜓᜒ ᜐᜓᜒ ᜎᜓᜒ ᜆᜓᜒ ᜈᜓᜒ ᜊᜓᜒ ᜋᜓᜒ ᜄᜓᜒ ᜇᜓᜒ ᜌᜓᜒ ᜅᜓᜒ ᜏᜓᜒ ||
A U I HA HU HI PA PU PI KA KU
KI SA SU SI LA LU LI TA TU TI NA NU NI BA BU BI MA MU MI GA GU GI DA DU DI YA
YU YI NGA NGU NGI WA WU WI
ᜀᜂᜁ ᜑᜑᜓᜑᜒ ᜉᜉᜓᜉᜒ ᜃᜃᜓᜃᜒ ᜐᜐᜓᜐᜒ ᜎᜎᜓᜎᜒ ᜆᜆᜓᜆᜒ ᜈᜈᜓᜈᜒ
ᜊᜊᜓᜊᜒ ᜋᜋᜓᜋᜒ ᜄᜄᜓᜄᜒ ᜇᜇᜓᜇᜒ ᜌᜌᜓᜌᜒ ᜅᜅᜓᜅᜒ ᜏᜏᜓᜏᜒ
AU I HA PA KA SA LA TA NA BA
MA GA DA YA NGA WA
3 PATINIG (VOWELS): AA UU II ᜀᜂᜁ
14 KATINIG (CONSONANTS): HAHA,
PAPA, KAKA, SASA, LALA, TATA, NANA, BABA, MAMA, GAGA, DADA,YAYA, NGANGA, WAWA
ᜑᜉᜃᜐᜎᜆᜈᜊᜋᜄᜇᜌᜅᜏ
KUDLIT: SA TAAS (i) SA ILALIM (u) ᜊᜒᜓ
Ang titik U ay siya ring titik O. Ang titik I ay siya ring titik
E. Ganundin ang kudlit sa I at U ay yaon din ang kudlit sa E at O. Ang titik DA
at LA ay siya ring ginagamit sa titik RA. Ang titik YA ang ginagamit sa titik
DYA/JA. Ang titik BA ang ginagamit sa titik VA. Ang titik PA ang
ginagamit sa titik FA. Ang titik SA ang ginagamit sa titik XA at ZA. Ang titik
KA naman sa titik QA. Sa titik CA/CE naman ay ginagamit ang titik KA o SA.
A
U/O I/E
HA
PA/FA KA/CA/QA SA/XA/ZA/CA
LA/RA
TA NA
BA/VA
MA GA
DA/RA
YA/JA
NGA WA
Walang virama o pamatay-patinig (vowel-killer) ang Baybayin. Ang
ginagawa ng mga sinaunang Tagalog ay hindi na isinusulat ang huling katinig (consonant)
na walang patinig na “a”. O maaaring isinusulat pa rin ngunit ginagamitan ng
patinig (vowel) na “u” o “i” o kaya ay ang isinusulat pa rin ay ang buong
pantig na katinig-patinig (consonant-vowel) gaya ng “KA”.
Halimbawa:
ILOG - ILO(G) ᜁᜎᜓ o ILOGU ᜁᜎᜓᜄᜓ
DAGAT –
DAGA(T) ᜇᜄ o DAGATU ᜇᜄᜆᜓ
BUNDOK – BU(N)DO(K) ᜊᜓᜇᜓ o
BUNUDOKU ᜊᜓᜈᜓᜇᜓᜃᜓ
PANTAS –
PA(N)TA(S) ᜉᜆ o ᜉᜈᜓᜆᜐᜓ
FRANCISCO/PRANSISKO –
PaDA(N)SI(S)KO ᜉᜇᜐᜒᜃᜓ
o PADANUSISUKO ᜉᜇᜈᜓᜐᜒᜐᜓᜃᜓ
CRUZ/KRUS – KUDU(S) ᜃᜓᜇᜓ o KUDUSU ᜃᜓᜇᜓᜐᜓ
CRISTO/KRISTO – KiDiTo/ KiDISiTO ᜃᜒᜇᜒᜆᜓ᜵ᜃᜒᜇᜒᜐᜒᜆᜓ.kidisito o KUDISUTO ᜃᜓᜇᜒᜐᜓᜆᜓ
GRACIA/GRASYA – GALASIYA ᜄᜇᜐᜒᜌ᜵ᜄᜎᜐᜒᜌ
Sa panahon ng Kastila,
ipinakilala ng Kastilang paring si Lopez ang kurus “+” kudlit, na inilalagay sa
ILALIM ng titik upang patayin ang patinig, gaya nito sa salitang “dagat”: dgt+ Simula
noon, ito na ang naging huwaran ng mga mambabaybay kahit ang ginagamit nilang
virama ay X, gaya nito sa salitang “dagat”: ᜇᜄᜆ᜔
Ang
paglalagay ng virama sa ilalim ng titik ang naging pangkaraniwan sa mga
mambabaybay, maaaring sa dahilang ito ay nakakatitipid ng “space”. Ngunit may
suliranin dito sapagkat ang viramang nasa ilalim ay napagkakamalang “u” kudlit.
Sa sulat Baybaying Luntarsug, minabuti nilang ang virama na tinatawag nilang
“patay” ay ang sagisag na “^” na inilalagay sa ibabaw ng titik sa halip
na sa ilalim. Ngunit gaya ng viramang inilalagay
sa ilalim, napagkakamalan naman itong “I” kudlit.
Sa mga suliraning ito, ang nakitang lunas ng ilan ay ang
paglalagay ng viramang X pagkatapos ng titik gaya nito sa salitang “dagat”: ᜇᜄᜆx Iyon
nga lang, humaba ang salita. Ito ay nakaayon naman sa pamamaraan na ginawa sa
sulat Batak, na ang viramang “\” ay isinusulat sa kanan ng titik, gaya nito sa
salitang “dagat”: ᜇᜄᜆ\
BAKIT UKITAN?
Bakit “Ukitan” ang pinili ng ilan bilang bansag sa Sulat Tagalog?
Bakit hindi na lang natin tawaging “Baybayin” na lamang? Ang dahilan ay
sapagkat ang “Baybayin” ay pangkalahatang tawag sa lahat ng sulat palapantigan
sa Kapuluan: ang Sulat Tagalog, ang Sulat Kapampangan, ang Sulat Mangyan, ang
Sulat Ilokano, ang Sulat Pangasinan, ang Sulat Sambal, ang Sulat Bisaya at
Sulat Tagbanwa ay tinatawag na Baybayin. Ang lahat ay AUI at hindi Abakada.
Kaya’t lahat ng ito ay AUI Baybayin.
Ang Sulat Tagalog ay tinatawag ring “Inukit” o “Ukitan” mula sa
salitang Tagalog na “ukit” na ang kahulugan ay “to engrave” o “to inscribe” sa
Ingles. Noong sinauna, ang mga ninuno natin ay nagsusulat sa pamamagitan ng
pag-ukit sa kahoy, kawayan, dahon at bato. Sa kasalukuyan dahil mayroon na tayong
sulatan na tinatawag nating papel ay dito na tayo nagsusulat o umuukit. Masdan,
kahit di ka umuukit, sa pagsulat mo ay umuukit pa rin ang dulo ang panulat sa
papel.
Ang isa
pang dahilan bakit “Inukit”, ay dahil ang “inukit” ay di mawawala sa
pagkaukit lalo na’t isinulat sa kahoy at bato sa takbo ng panahon. Ganyan
ang Sulat Tagalog. Maaaring nalimutan o di nabigyang-pansin ngunit di naman
nawawala. Kaya’t ngayon ay muling ginigising
sa diwa ng mga Tagalog ang paggamit nito. Nakaukit na ito sa ating puso’t
isipan at maging sa ating kasaysayan, wika at tan-ay (kultura).
ANG MGA PATINIG: ᜀ᜶ᜋᜅ᜶ᜉᜆᜒᜈᜒ᜶
Ang mga patinig (vowels) ng AUI Baybayin ay 3 lamang: A, U at I.
Ang tunog na E ay sinasagisag pa rin ng I, at ang O ay ng U. Ganundin, sa
mga kudlit: ang guhit, tuldok o kuwit sa ibabaw ng titik ay sa I/E, at ang sa
ilalim naman ay sa U/O.
AA - ᜀ UU - ᜂ II - ᜁ
O - U E – I
O - U E – I
ANG MGA KATINIG: ᜀ᜶ᜋᜅ᜶ᜃᜆᜒᜈᜒ᜶
May 14 na Katinig. Ang mga
ito ay ang HAHA, PAPA, KAKA, SASA, LALA, TATA, NANA, BABA, MAMA, GAGA,
DARA, YAYA, NGANGA, WAWA.
ᜑᜉᜃᜐᜎᜆᜈᜊᜋᜄᜇᜌᜅᜏ
Ang titik DA ay siya ring gamit sa titik RA. Kapag may titik RA na
nakasulat sa Latin, ang sulat rito sa Baybayin ay DA o kaya ay LA. Nakasulat
ay DA subalit ang bigkas pa rin dito ay “RA”. Ang DA ay nagiging RA sa
ikalawang pantig. O kapag may RA sa ikalawang pantig, ito ay RA kahit na DA ang
nakasulat.
Halimbawa:
KARAGATAN – ᜃᜇᜄᜆ MARIWASA – ᜋᜇᜒᜏᜐ
KARAGATAN – ᜃᜇᜄᜆ MARIWASA – ᜋᜇᜒᜏᜐ
RAGASA – ᜇᜄᜐ WARI –ᜏᜇᜒ PARALUMAN – ᜉᜇᜎᜓᜋ
MARIKIT – ᜋᜇᜒᜃᜒ BIRO – ᜊᜒᜇᜓ HARI – ᜑᜇᜒ
HARAP – ᜑᜇ HIRAP – ᜑᜒᜇ BARIL – ᜊᜇᜒ
No comments:
Post a Comment