ᜀ᜶ᜉᜎᜆᜒᜆᜒᜃ᜶ᜆᜄᜎᜓ᜶ᜀ᜶ᜀ᜶ᜋᜅ᜶ᜊᜌᜄ᜶ᜐᜎᜒᜆ᜶
Ang
Palatitikang Tagalog at ang manga Banyagang Salita
Ang Ukitan, ang
Baibayin ay unang-una ginagamit sa wikang Tagalog. Maaari din naman itong
gamitin sa ibang wika gaya nang Filipino, Kastila, Ingles at iba pang wika.
Ngunit ang anumang wikang paggagamitan nito ay kinakailangang umayon sa
palatitikang Tagalog. Halimbawa, sa Hapon na ang isa sa manga sulat nila ay
Katakana, ang manga hiram na salita na may “la” ay magiging “RA”. Ang pangalang
“LARRY” ay magiging “RARI”. Gayundin sa Tagalog, ang anumang “Ra” na
hiniram ay nagiging “DA” maging “LA” sa Sulat Tagalog. Ang “VA” ay
magiging “BA”, ang “FA” at “PHA” ay magiging “PA”, ang ”ZA” ay magiging “SA”,
ang “CA” at “QA” ay magiging “SA” at ang “CE/CI” ay magiging “SI”.
Wala ring “C-C-V”,
KATINIG-KATINIG-PATINIG sa Tagalog. Ang manga salitang nagsisimula sa KR ay
magiging KAD/KUD/KID dili kaya’y KAL/KUL/KIL ayon sa sumunod na patinig
dito. Halimbawa, ang KRUS/ CRUZ ay magiging KUDUS/KULUS
ᜃᜓᜇᜓ᜶ᜃᜓᜎᜓ᜶. Ang manga salitang nagsisimula sa TS ay magiging
TAS, TIS, TUS ayon sa patinig na susundan nito. Halimbawa, ang TSUNAMI ay
magiging TUSUNAMI, ang TSINELAS ay magiging TISINELAS dili kaya’y
TIYINELAS, ang TSA ay TASA at TAYA, ang TSONG ay magiging
TOSONG at TIYONG. Dili kaya naman ang TS ay magiging S dahil walang titik na TS sa
Tagalog. Ang pangalang FRANCESCO (PRANTSESKO) ay magiging
PADANTISISKU dili kaya ay PADANSISKU/ PADASIKU ᜉᜇᜐᜒᜃᜓ᜶. Ang manga salitang
nagsisimula sa SH/ SY gaya nang SHAMPOO ay isusulat na SIY. Kaya’t ito ay
magiging SIYAMPU ᜐᜒᜌᜉᜓ᜶. Ang salitang TROPEYO ay magiging TUDUPEYO/ TULUPEYO ᜆᜓᜎᜓᜉᜒᜌᜓ᜶. Ang salitang
SUMBRERO ay magiging SAMBALILO ᜐᜊᜎᜒᜎᜓ᜶. Ang salitang TRES at THREE
ay magiging TILIS/TIDIS at TILI/ TIDI ᜆᜒᜎᜒ᜶ ᜆᜒᜇᜒ᜶ at mainam-inam isalin na lang sa Tagalog, TATLO ᜆᜎᜓ᜶
Bagamat ginagawa nang iba
ang pagsusulat nang KRUS bilang KDUS o KLUS sa Baybayin, sa pamamagitan nang paglalagay
nang sabat/ virama sa K gaya nito K+LuS+., hindi ito marapat. Ang
palatitikang Tagalog ay nagdaragdag nang patinig sa pagitan nang K at L kaya’t
ito ay magiging KuL dili kaya’y Kud. Ang KRUS/CRUZ ay magiging
KULUS/KUDUS. Ang TRINITY at TRINIDAD ay masusulat bilang TILINITI at
TILINIDAD.
CRUZ
KRUS
KUDUS KULUS ᜃᜓᜎᜓ᜶
CRISTO
KRISTO KIDISITO KIDITO ᜃᜒᜇᜒᜆᜓ KILITU ᜃᜒᜎᜒᜆᜓ
CHRISTMAS
KRISMAS KIDISMAS KILISMAS
KILISIMAS ᜃᜒᜎᜒᜐᜒᜋ᜶
CRISTIANO KRISTIYANO
KILISTIYANO KIDITIYANO ᜃᜒᜇᜒᜆᜒᜌᜈᜓ
CRAB KRAB KALAB
KADAB ᜃᜇ᜶
CRAZY KREYSI
KILISI ᜃᜒᜎᜒᜐᜒ᜶
CLOSE KLOWS
KULUS ᜃᜓᜎᜓ᜶
CLING KLING
KILING ᜃᜒᜎᜒ᜶
CLASS
KLAS KALAS ᜃᜎ᜶᜶
CLASSE
KLASE KALASI ᜃᜎᜐᜒ᜶
CLASSIC KLASIK KALASIK ᜃᜎᜐᜒ᜶
CLASSICAL KLASIKAL KALASIKAL ᜃᜎᜐᜒᜃ᜶
BLESSED
BLESED BELESED ᜊᜒᜎᜒᜐᜒ᜶
BLOOD
BLAD BALAD ᜊᜎ᜶
BROTHER BRADER BALADEL BADADEL ᜊᜇᜇᜒ᜶
BRANDY BRANDI BALANDI
BADANDI ᜊᜇᜇᜒ᜶
DRAWING DROWING DULOWING
ᜇᜓᜎᜓᜏᜒ᜶ DRESS
DRES
DILES ᜇᜒᜎᜒ᜶
DRACULA DRAKULA
DALAKULA ᜇᜎᜃᜓᜎ᜶
DRIVER
DRAYBER DALAYBEL ᜇᜎᜌᜒᜊᜒ᜶
DRY
DRAY
DALAY ᜇᜎ᜶
TSUNAMI TSUNAMI
TUSUNAMI ᜆᜓᜐᜓᜈᜋᜒ᜶
SUNAMI ᜐᜓᜈᜋᜒ᜶
TSINELAS TISINELAS ᜆᜒᜐᜒᜈᜒᜎ᜶
SINELAS ᜐᜒᜈᜒᜎ᜶
TSEK
TISEK ᜆᜒᜐᜒ᜶ SEK ᜐᜒ᜶
TSONG
TUSONG ᜆᜓᜐᜓ᜶ SONG ᜐᜓ᜶
CHESS
TSES TISES /
TIYESᜆᜒ ᜐᜒ᜶
ᜆᜒᜌᜒ᜶
CHINA TSINA
TISINA ᜆᜒᜐᜒᜈ᜶ SINA ᜐᜒᜈ᜶
FRANCESCO
PRANTSESKO
PADANTISISKO ᜉᜇᜆᜒᜐᜒᜃᜓ᜶
FRANCISCO
PRANSISKO PADASIKO ᜉᜇᜐᜒᜃᜓ᜶
FRANCES
PRANSES PALANSES ᜉᜎᜐᜒ᜶
FRIEND
PREND PILEN ᜉᜒᜎᜒ᜶
FRIENDSHIP
PRENSYIP PILENSIYIP ᜉᜒᜎᜒᜐᜒᜌᜒ᜶
PRIME
PRAYM PALAYEM ᜉᜎᜌᜒ᜶
PRETER
PRETER PILETEL ᜉᜒᜎᜒᜆᜒ᜶
PRIEST
PRIST
PILES ᜉᜒᜎᜒ᜶
PROFESSOR
PROPESOR PULOPESOL ᜉᜓᜎᜓᜉᜒᜐᜓ᜶
PROMISE
PRAMIS PALAMIS ᜉᜎᜋᜒ᜶
PROJECT
PRADYEK PALADIYEK ᜉᜎᜇᜒᜌᜒ᜶PALAYEK ᜉᜎᜌᜒ᜶
PRIVILEGIO PRIBILEHIYO
PILIBILIHEYO
ᜉᜒᜎᜒᜊᜒᜎᜒᜑᜒᜌᜓ᜶
PRINCIPIO PRINSIPYO PILINSIPYO ᜉᜒᜎᜒᜒᜐᜒᜉᜒᜌᜓ᜶
PRINCIPE PRINSIPE
PILINSIPE ᜉᜒᜎᜒᜐᜒᜉᜒ᜶
PRINCESA
PRINSESA PILINSESA ᜉᜒᜎᜒᜐᜒᜐ᜶
PRECIO PRESYO
PILESIYO ᜉᜒᜎᜒᜐᜒᜌᜓ᜶
PLEASE
PLIS
PILIS ᜉᜒᜎᜒ᜶
PLASTER
PLASTER PALASTEL ᜉᜎᜆᜒ᜶
PLEROMA
PLIROMA PILIDOMA ᜉᜒᜎᜒᜇᜓᜋ᜶
SHAMPOO
SYAMPU SIYAMPU ᜐᜒᜌᜉᜓ᜶
CHEF
SYEP SIYEP ᜐᜒᜌᜒ᜶
FIANCEE PIYANSEY
PIYANSEY ᜉᜒᜌᜐᜒ᜶
FREDERICK
PREDERIK PILEDILIK ᜉᜒᜎᜒᜇᜒᜎᜒ᜶
SOMBRERO SUMBRERO SUMBILILO
ᜐᜓᜊᜒᜎᜒᜎᜓ᜶ SAMBALILO ᜐᜊᜎᜒᜎᜓ᜶
TRAFFIC TRAPIK TARAPIK ᜆᜇᜉᜒ᜶
TALAPIK ᜆᜎᜉᜒ᜶
TRICYCLE TRAYSIKEL
TALAYSIKEL ᜆᜎᜐᜒᜃᜒ᜶
TRIANGLE TRAYANGGEL TALAYANGGEL ᜆᜎᜌᜄᜒ᜶
TROMPETA TRUMPETA TULUMPETA
ᜆᜓᜎᜓᜉᜒᜆ᜶
TRAINING
TREYNING TILINING ᜆᜒᜎᜒᜈᜒ᜶
TROPEO
TROPEYO TUDOPEYO ᜆᜓᜇᜓᜉᜒᜌᜓ᜶ TULOPEYO ᜆᜓᜎᜓᜉᜒᜌᜓ᜶
TRES TRES
TIDES ᜆᜒᜇᜒ᜶ TILES ᜆᜒᜎᜒ᜶
THREE TRI TIDI
ᜆᜒᜇᜒ᜶ TILI ᜆᜒᜎᜒ᜶
TRINITY TRINITY TIDINITI ᜆᜒᜇᜒᜈᜒᜆᜒ᜶ TILINITI ᜆᜒᜎᜒᜈᜒᜆᜒ᜶
THOR
TOR TOD ᜆᜓ᜶ TOL
CHECK
TSEK TISEK ᜆᜒᜐᜒ᜶
SEK ᜐᜒ᜶
FLOW
PLOW
PULOW ᜉᜓᜎᜓ᜶
FLU
PLU
PULU ᜉᜓᜎᜓ᜶
QUEEN
KWIN
KUWIN ᜃᜓᜏᜒ᜶
TOOTHBRUSH TUTBRAS TUTBALAS ᜆᜓᜊᜎ᜶
BRITANIA BRITANYA BIDITANYA ᜊᜒᜇᜒᜆᜌ᜶ BILITANYA ᜊᜒᜎᜒᜆᜌ᜶
ANGEL ENDYEL
ENDIYEL ᜁᜇᜒᜌᜒ᜶ENYEL ᜁᜌᜒ᜶
ANGELICA ANDYELIKA
ANDIYELIKA ᜀᜇᜒᜌᜒᜎᜒᜃ᜶
ANYELIKA ᜀᜌᜒᜎᜒᜃ᜶
JEEPNEY
DYIPNI DIYIPINI ᜇᜒᜌᜒᜉᜒᜈᜒ᜶
YIPINI ᜌᜒᜉᜒᜈᜒ᜶
JESUS
DYISUS DIYISUS ᜇᜒᜌᜒᜐᜓ᜶ YISUS ᜌᜒᜐᜓ᜶
JEHOVAH
DYIHOBA DIYIHOBA ᜇᜒᜌᜒᜑᜓᜊ᜶
YIHOBA ᜌᜒᜑᜓᜊ᜶
JOSHUA DYOSWA DIYOSUWA ᜇᜒᜌᜓᜐᜓᜏ᜶ YOSUWA ᜌᜓᜐᜓᜏ᜶
JEDIDIAH
DYEDIDAYA YEDIDAYA ᜌᜒᜇᜒᜇᜌ᜶
JEREMY DIYEREMI ᜇᜒᜌᜒᜇᜒᜋᜒ᜶ YELEMI ᜌᜒᜎᜒᜋᜒ᜶
JERUSALEM DYIRUSALEM YILUSALEM ᜌᜒᜎᜓᜐᜎᜒ᜶ YIDUSALEM ᜌᜒᜇᜓᜐᜎᜒ᜶
JERICHO
DYERIKO YELIKO ᜌᜒᜎᜒᜃᜓ᜶ YIDIKO ᜌᜒᜇᜒᜃᜓ᜶
JACOB DIYEKOB
ᜇᜒᜌᜒᜃᜓ᜶ YEGO ᜌᜒᜄᜓ᜶
JACOB DYAKOB YAKUB
ᜌᜃᜓ᜶ YAGO ᜌᜄᜓ᜶
JOSEPH DYOSEP
YOSEP ᜇᜒᜌᜓᜐ᜶ ᜌᜓᜐᜒ᜶
JORGE DYORDS
YULDOS ᜌᜓᜇᜓ᜶
GEORGIA
DYORDYA YULDIYA ᜌᜓᜇᜒᜌ᜶
JEZEBEL DYESEBEL ᜇᜒᜌᜒᜐᜒᜊᜒ᜶ YESEBEL ᜌᜒᜐᜒᜊᜒ᜶ ISABEL
ᜁᜐᜊᜒ᜶
JUJITSU DYUDYITSU
ᜇᜒᜌᜓᜇᜒᜌᜒᜆᜒᜐᜓ᜶
YUYITSU ᜌᜓᜌᜒᜐᜓ᜶
JAPAN DYAPAN
ᜇᜒᜌᜉ᜶ YAPAN ᜌᜉ᜶
JAKARTA DYAKARTA
ᜇᜒᜌᜃᜆ᜶
YAKALTA ᜌᜃᜆ᜶
EGYPT
IDYIP IDIYIP ᜁᜇᜒᜌᜒ᜶ IYIP ᜁᜌᜒ᜶
GENERAL
DYENERAL YENEDAL ᜇᜒᜌᜒᜈᜒᜇ᜶ YENELAL ᜇᜒᜌᜒᜈᜒᜎ᜶
ELECTRIC
ELEKTRIK ILEKTIK ᜁᜎᜒᜃᜒᜆᜒ᜶
ELECTRICITY ELEKTRISITI
ILEKTISITI ᜁᜎᜒᜆᜒᜐᜒᜆᜒ᜶
ELECTRIC
FAN ELEKTRIK PAN
ILEKTIK PAN ᜁᜎᜒᜆᜒᜉ᜶
PLASTIC
PLASTIK PALASTIK ᜉᜎᜆᜒ᜶
PRAYER
PREYER PIDEYEL ᜉᜒᜇᜒᜌᜒ᜶
PLAYER
PLEYER PILIYIL ᜉᜒᜎᜒᜌᜒ᜶
GREGG
GREG
GILEG ᜄᜒᜎᜒ᜶
GREGORIO GREGORYO
GILIGOLIYO ᜄᜒᜎᜒᜄᜓᜎᜒᜌᜓ᜶
GRACIA
GRASYA
GALASIYA/ GADASIYAᜄᜎᜐᜒᜌ᜶ ᜄᜇᜐᜒᜌ᜶
GRAVA GRABA
GALABA ᜄᜎᜊ᜶
GREEN
GRIN
GILIN ᜄᜒᜎᜒ᜶
GLEE
GLI
GILI ᜄᜒᜎᜒ᜶
GLOW
GLOW GULOW ᜄᜓᜎᜓ᜶
GLORIA
GLORYA GULUDIYA ᜄᜓᜎᜓᜇᜒᜌ᜶
GRECIA
GRESYA GILISYA ᜄᜒᜎᜒᜐᜒᜌ᜶
GRIEGO
GRIYEGO GILIYEGO ᜄᜒᜎᜒᜌᜒᜄᜓ᜶
Mahirap
isulat sa baibayin ang manga salitang panay C-C-C gaya nang manga salitang
Aleman. Ang pangalang AUSTRIA na anyong Latin nang Alemang OSTERREICH kapag
tinagalog ay AWSTRIYA. Mapapansin na sa anyong ito ay may tatlong katinig (consonant) na
magkakasunod. Tingnan sa manga sinalungguhitan. AWSTRIYA.
Ang manga magkakasunod na katinig ay WST at R na kasunod ay patinig na I. Paano
ito isusulat sa Baybayin? Tandaan, na hindi marapat na panay katinig na
magkakasunod na lalagyan mo lamang nang X. Hindi! Ang manga ito ay sinisingitan
nang patinig. Sa ganitong paraan, ang AWSTRIYA ay magiging AWUSOTIDIYA/ AWUSOTILIYA ᜀᜏᜓᜐᜓᜆᜒᜇᜒᜌ᜶ ᜀᜏᜓᜐᜓᜆᜒᜎᜒᜌ᜶. Maaari din namang ang AW
ay maging O/U kayat ito ay magiging OSUTIDIYA/ OSUTODIYA ᜂᜐᜓᜆᜒᜇᜒᜌ᜶ ᜂᜐᜓᜆᜓᜇᜒᜌ᜶. Maaari ding mawala ang “T” sa AWSTRIYA/ OSTRIYA.
Magiging ASUDIYA/ OSUDIYA ᜀᜐᜓᜇᜒᜌ᜶ ᜂᜐᜓᜇᜒᜌ᜶. Sa sinaunang baybayin na
walang sabat, ang AUSTRIA ay ADIYA/ ALIYA ᜀᜇᜒᜌ᜶ ᜀᜎᜒᜌ᜶ dili kaya ay OLIYA/ODIYA ᜂᜎᜒᜌ᜶ ᜂᜇᜌ᜶. Sa Hapon, ang AUSTRIA ay OSUTORIA. Sa Kuryano ay
OSEUTEULIA. Sa Insik ay AODILI. Ang OSTERREICH ay OSTERIK sa tinagalog at
magiging OSOTILIK/ OSOTIDIK ᜂᜐᜓᜆᜒᜎᜒ᜶ ᜂᜐᜓᜆᜒᜇᜒ᜶ sa sulat
Baybayin. Yan ang katangian nang Baybayin. Maaaring tanggalin ang “T” sa OSTERIK,
kaya ito ay magiging OSRIK at sa sulat Baybayin ay OSDIK/ OSLIK/ OSULIK / OSUDIK
ᜂᜐᜓᜎᜒ᜶
ᜂᜐᜓᜇᜒ᜶. Sa sinaunang Baybayin na walang sabat/virama ay OSUDI/OSULI / UDI/ ULI ᜂᜇᜒ᜶ ᜂᜎᜒ᜶.
Ang pangalan nang lupaing/lupalop
na AUSTRALIA ay binibigkas sa Tagalog na AWSTRALYA dili kaya ay OSTRALYA. Ito
ay maisusulat sa Ukitan bilang AWUSOTADALYA ᜀᜏᜓᜐᜓᜆᜇᜌ᜶ at OSUTADALYA ᜂᜐᜓᜆᜇᜌ᜶. Maaaring tanggalin
ang “T” kayat ito ay magiging ASUDALYA/ OSUDALYA ᜀᜐᜓᜇᜌ᜶ ᜂᜐᜓᜇᜌ᜶. Sa sinaunang Baybayin
na walang sabat/virama, ito ay ASUDAYA/ OSUDAYA/ ADAYA/ UDAYA ᜀᜐᜓᜇᜌ᜶ ᜂᜐᜓᜇᜌ᜶ ᜀᜇᜌ᜶ ᜂᜇᜌ᜶. Ang salitang AUSTRONESIA ay binibigkas sa Tagalog
na OSTRONESYA/OSRONESYA kayat masusulat ito sa Ukitan bilang OSUTOLUNISYA/ OSUTODUNISYA/
OSUDONISYA/ OSDUNISYA/ OSLUNISYA. Sa sinaunang Baybayin na walang sabat/virama,
ito ay nasusulat bilang ODUNISIYA ᜂᜇᜓᜈᜒᜐᜒᜌ᜶ / OSUDUNIYA ᜂᜐᜓᜇᜓᜈᜒᜌ᜶/ OSULUNIYA ᜂᜐᜓᜎᜓᜈᜒᜌ᜶, ODUNIYA ᜂᜇᜓᜈᜒᜌ᜶/ OLUNIYA ᜂᜎᜓᜈᜒᜌ᜶.
AUST-RIA
AWSTRIYA
OSTRIYA
USU-DIYA ᜂᜐᜓᜇᜒᜌ᜶
U-DIYA ᜂᜇᜒᜌ᜶
A-DIYA ᜀᜇᜒᜌ᜶
AUSTRALIA
AWSTRALYA OSTRALYA
USADALIYA
ᜂᜐᜇᜎᜒᜌ᜶
UDAYA ᜂᜇᜌ᜶ ADAYA ᜀᜇᜌ᜶
AUSTRO-NESIA
AWSTRONESYA OSTRONESYA
USUDU-NISIYA ᜂᜐᜓᜇᜓᜈᜒᜐᜒᜌ᜶ UDU-NISIYA ᜂᜇᜓᜈᜒᜐᜒᜌ᜶ / UDU-NIYA ᜂᜇᜓᜈᜒᜌ᜶ ADU=NIYA ᜀᜇᜓᜈᜒᜌ᜶
Sa
ganang akin, yung pinakamaikli ang pipiliin ko.
Ang salitang WORLD ay
tatlong magkakasunod na katinig. Kung isusulat yan sa Ukitan, yan ay magiging
WUDOD/ WUDULOD. Sa makalumang Ingles, yan ay WOROLD. Sa sinaunang
Baybayin ay WU ᜏᜓ᜶o WULO ᜏᜓᜎᜓ᜶. Kaya nga napakahirap
isulat ang manga banyagang salita lalo na ang Ingles sa Ukitan/ Baibayin.
Kung magagawa, isalin na lamang sa katutubong salita ang world at ito ay
DAIGDIG ᜇᜁᜇᜒ᜶. Iyan ang pinakamainam.